Alamin ang Tungkol sa uberPOOL

Layunin ng Uber ang mabilis at ligtas na transportasyon para sa bawat Pilipino habang sinosolusyonan ang problema ng trapiko sa Metro Manila. Ang uberPOOL ay isang ridesharing option. Bilang isang Uber Partner-Driver, maaari nang makakuha ng higit pa sa isang pasahero kada byahe. MAS MABILIS NA PAGHIHINTAY, MAS MARAMING TRIPS, MAS MALAKING KITA!

Ano ang uberPOOL?

Ang uberPOOL ay isang bagong produkto kung saan papayagan kayong magpickup at magdropoff ng higit sa isang pasahero. Basta’t on-the way at pareho ang direksyon ng kani-kanilang mga destinasyon, pwede silang mag-uberPOOL.

Bakit uberPOOL?

Mas Malaking Kita! | Sa uberX, 25% ang service fee kada trip. Habang sa uberPOOL, 10% ang fee ng unmatched rides at 35% naman kung matched. Huwag mabahala dahil sa isang pasada, hanggang 3 ang maaaring maging pasahero. Ibig sabihin nito, nakatipid ka na ng gas, 3 pang riders ang agarang magbabayad sa iyo ng pasahe.

24/7 Support | Pinapahalagahan ng Uber ang kaligtasan ng lahat ng drivers at riders kaya’t bukas ang Uber Support 24/7. Mag-email lang sa partnersmanila@uber.com at agaran namin kayong tutulungan.

Security Check | Everything is tracked. Nakikita ng Uber kung sino ang sakay, kung sino ang nagmamaneho, at kung saan dumadaan ang bawat kotse. Ito ay para masigurado ang kaligtasan ng mga trips.
 
Higher Ratings! | Napatunayan sa Chicago at Los Angeles, USA na mas mataas ang Partner ratings sa uberPOOL kumpara sa uberX. Ito’y dahil enjoy ng riders ang makatipid at ang may makasama sa kanilang byahe.

Kami Ang Bahala Sa Inyo | Available ang Two-Way Rating System para bigyan ng boses ang Uber Drivers at magbalita ukol sa mga rides. Maaari ring i-cancel ng Uber partner ang rider kung lumampas siya sa 2-minute waiting time. Dito, hindi na maaaring mag-rate si rider at hindi maaapektuhan ang overall star rating ng Uber Partner.

uberPOOL Training Video

Panoorin ang video para malaman ang lahat ng kailangan alamin tungkol sa uberPOOL.

Para sa Tagalog version, pumunta DITO

FAQ (Frequently Asked Questions)

Q: Paano ako kikita ng mas malaki sa uberPOOL?

A: Dahil pwede kang bumyahe ng sabay sabay na trips sa uberPOOL, mas mabilis ang iyong paghihintay, mas marami kang trips, at mas malaki ang kita! 

Q: Pinapaghatian ba ng riders ang bayad?

A: Sa uberPool, hindi pinaghahatian ng mga riders ang mga pamasahe dahil maaaring magkaiba ang pick-up at drop-off locations ng bawat isa. Dahil dito, itinuturing ang riders bilang mga indibidwal na nagbabayad ng kanya-kanyang pamasahe kaya't huwag nang mabahala.

Q: Kapag maraming riders sa isang trip, itinuturing pa rin ba itong isang trip?

A: Ang isang pickup o request ay binibilang na isang trip. Ibig sabihin, pwede ka makakuha ng mas maraming trips ng sabay-sabay at makatutulong pa para maabot ang iyong incentive requirements!

Q: Mayroon ba 24/7 Hotline ang Uber na maaaring tawagan sakaling magka-emergency?

A: Mas maganda kung mag-email sa partnersmanila@uber.com at siguradong sasagutin namin ang inyong concern ng mabilisan at 24/7.

Q: Mayroon bang Trip Rating o Co-Rider Rating?

A: Sa ngayon, wala pa tayong paraan para ma-rate ng riders ang iba pang mga riders.Ito ay isa sa mga bagay na aming tinitignan upang lalo pang mapaganda ang uberPOOL experience.

Q: May surge ba sa uberPOOL?

A: Tulad ng uberX, kapag malaki ang rider demand sa isang lugar ay nagkakaroon rin dito ng surge pricing.

Q: Sino ang dapat unang ipickup at idropoff?

A: Huwag mag-alala dahil kalkulado ng Waze ang dadaan mo. Kung sino ang pinakamalapit, siya ang unang ihahatid.

Q: Paano kapag ayaw ng first rider na tumanggap pa ako ng incoming uberPOOL requests?

A: Ipaalam sa mga pasahero ang patakaran ng Uberpool. Hindi maaaring ipagbawal ng nakasakay na rider ang pagsundo sa isa pang nagrequest na rider. Kapag ikaw ay pinilit, mag-email lamang sa partnersmanila@uber.com at magkakaroon din ng possible penalties ang mga riders.

Q: May surcharges ba sa uberPOOL?

A: Nagkakaroon rin ng surcharges sa uberPool trips kapag dumadaan sa mga lugar na kinakailangan ang pagbabayad ng toll.