Momentum Weekly Promo Reminders

Promotional Incentives for Aug 8 12AM to Aug 14 11:59PM

Para mag-qualify sa Momentum Weekly Promo ngayong linggo, siguraduhing makakamit ang mga sumusunod:

ACCEPTANCE RATE: AT LEAST 75% FOR EACH DAY

Upang makuha ninyo ang promo para sa araw na iyon, tanggap lang nang tanggap ng trips!

Alalahanin na kasama ang uberPOOL sa pag compute ng Acceptance Rate.

 

TRIPS PER HOUR (TPH): AT LEAST 1 FOR EACH DAY

Siguraduhing mag-online lamang kapag ikaw ay handa nang tumanggap ng trip requests upang hindi bumaba ang iyong TPH. 

Saan ninyo makikita ang TPH? Pumunta lamang sa inyong Uber Partner App Earnings tab at siguraduhing mas mataas ang bilang ng completed trips kaysa sa hours online. Ngunit tandaan na ito ay indicative lamang dahil 4am to 4am ang bilang nito at hindi 12am to 12am tulad ng promo.

Tandaan: Ang calculation sa inyong Uber Partner App ay base sa 4am-4am na oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Iba pang paalala:

1) Ang Momentum Promotion na ito ay tatakbo mula 12:00 AM, August 8, 2016 - 11:59 PM, August 14, 2016 at valid para sa mga Uber Manila Partners na bumabiyahe ng uberX, uberBLACK, uberHOP, at uberPOOL lamang. Ang 1 uberHOP trip ay katumbas ng 1.5 trips regardless kung ilan ang sumakay na riders at ang uberPOOL trip ay 1.

2) Para sa promo na ito, ang isang araw ay bibilangin mula 12:00 AM at matatapos sa susunod na araw ng 11:59 PM.

3) Magbibilang kami ng isang trip simula ng start trip. Kung nagstart trip kayo sa loob ng peak hours ito ay mabibilang na kasama sa peak hours.

4) Ang Partner App ninyo ay nagbibilang ng araw mula 4:00 AM hanggang 3:59 AM sa susunod na araw. Para makita ang hours online at bilang ng trips, siguraduhin na icheck ang oras ng bawat trip o tingnan ang payment statement ninyo.

5) Kahit anong pagtangkang pandaraya sa Momentum Weekly Promo (Halimbawa: paghati ng ongoing trip sa dalawa sa pamamagitan ng magkasunod na pag-end at pag-begin, paggamit ng sariling rider app para mag-request, paulit-ulit na pagsakay ng parehong tao, paggawa ng madaming new rider accounts, mabilisang pag-begin at cancel, atbp.) ay magreresulta sa inyong disqualification at pag-VOID ng lahat ng promotions sa linggong ito.

6) Hindi kailangan mag opt-in para sa promotion na ito. Sapat na ang email na ito upang mapatunayan na qualified kayo sa linggong ito.